87 anyos na weightlifting olympian, kinagiliwan online
Ni James Gabriel Regondola Matapos masungkit ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas sa Tokyo 2020 Summer Olympics, bumida kamakailan ang isang beteranong atleta at nabubuhay na alamat pagdating sa larangan ng weightlifting. Photo Courtesy by Shana Rocamora Ramirez Ipinagmalaki ni Shana Ramirez sa kaniyang Facebook post ang kanyang super lolo na si Artemio E. Rocamora, 87 taong gulang, isang weightlifting olympian at retiradong opisyal ng Philippine Air Force na dati na ring nakapag-uwi ng medalya para sa bansa. (Photo Courtesy by Shana Rocamora Ramirez Nagbigay ng karangalan si Lolo Artemio para sa Pilipinas nang siya ay tanghalin bilang bronze medallist sa 1964 Asian Weightlifting Championship sa Tokyo, Japan. Sa parehong taon at bansa, bigo mang makapasok sa podium standing, masaya pa rin ang kanyang pamilya na siya ay nakabilang sa Top 20 ng Tokyo 1964 Summer Olympics matapos magbuhat ng 85.5 kilos sa light heavyweight event na nakapag...