Gilas, natambakan sa rebanse kontra Tall Blacks
Ni Girald Gaston PHOTO : FIBA Basketball Nakatikim ng pangmamama ang bagitong koponan ng Gilas Pilipinas kontra New Zealand Tall Blacks, 60-106, sa kanilang ikalawang sagupaan sa ikatlong window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers, Huwebes ng hapon sa Auckland, New Zealand. Matapos ang 25-puntos na pagkatalo sa una nilang paghaharap, bigong makabawi ang bagong disenyo ng Gilas, sa pamumuno ni Nenad Vucinic, sa balwarte ng Tall Blacks dala lamang ang 11-man lineup. Litaw ang bentahe ng Tall Blacks sa laki at karanasan, matapos dominahin ang rebounding kontra Gilas, 47-33, na lumaro nang wala ang serbisyo ni naturalized center Angelo Kouame. Pinangunahan ng 6-foot-7 versatile big na si Carl Tamayo ang atake ng pambansang koponan matapos magtala ng game-high 16 puntos at limang rebounds, ngunit naging dagok naman sa Gilas ang pag-alis niya sa laro sa huling yugto nang magtamo ng ankle injury. Magandang panimula ang ipinamalas ng Kiwis at agad itong nakaalagwa sa pagtatapos ng unang yu...