"EQUALITWEET" Free speech, authentication, prayoridad ni Elon Musk—ang bagong boss ng Twitter
Ni John Emmanuell Ramirez PHOTO: MarketWatch Pagkabili sa Twitter sa halagang 44 bilyong dolyar, ipinangako naman ni Elon Musk, pinakamayamang bilyonaryong entrepreneur, na maitataas ang free speech at authentication ng mga user sa platform, kung saan ikinabahala ng mga kritiko ang mataas na potensyal na paglaganap ng disimpormasyon at harassment sa social media network. “The extreme antibody reaction from those who fear free speech says it all,” banat ni Musk sa mga bumabatikos na kritiko, kung saan nilinaw niya na mariin lang niyang kinokondena ang censorship na labas sa batas. “If people want less free speech, they will ask government to pass laws to that effect. Therefore, going beyond the law is contrary to the will of the people,” diin ni Musk sa kanyang tweet. Matatandaan sa TED2022 Conference noong Abril 15, noon pa ma’y naniniwala na si Musk na dapat sumunod ang Twitter sa batas ng mga bansang pinag-ooperahan nila upang hindi makontrol ang kalayaan nilang magpahayag. "It...