COLUMN | Ang bulag na sistema ng edukasyon
Ni Kenjie-Aya Oyong Nakasaad sa Department of Education (DepEd) Mission ang “to protect and promote the right of every Filipino to quality equitable, culture-based and complete basic education.” Pero mukhang mission failed sila ngayon. Cartoon by Alexia Macatuno Layon ng programang Special Education Program (SPED) na mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang libo-libong mag-aaral na may kapansanan at espesyal na pangangailangan. Ngunit para sa taong 2023, walang budget na nakalaan para sa mga programa ng Special Education Program (SPED). Binasura kasi sa 2023 National Expenditure Program (NEP) ang panukala ng DepEd na 532 milyong pisong budget para sa SPED. Napabayaan na nila ang kapakanan ng mga estudyanteng may kapansanan, at bunga ito ng hindi maayos na prayoridad ng kagawaran. Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), nabigo ang DepEd na suportahan ng mga sapat na dokumento ang panukalang budget para sa SPED. Kataka-taka ang naging dahilan ng DBM samantalang nagawa n...