Education Unboxed | Hindi nanlilinlang ang tunay na kaibigan
Tiffany Geluz Mula sa murang edad, malaki na ang gampanin ng panitikan sa paghulma ng pananaw ng mga kabataan. Ito ang nais na makamit ng “Isang Kaibigan”, ang bagong pambatang libro na inilabas ng Pangalawang Pangulo na si Sara Duterte na naglalayong hikayatin ang mga bata na magbasa. Ngunit, tila ba’y isa lamang itong maagang pangangampanya ng awtor at pagpapakilala sa mga kabataan na balang araw ay magiging botante. Halos dalawang buwan mula nang bumaba bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) Secretary, inilunsad niya ang P100 milyon programang Pagbabago Campaign, A Million Learners and Trees na kinabibilangan ng librong umiikot sa tema ng pagkakaibigan. Ang programang ito ay naglalayon na makapamahagi ng isang milyong bag na naglalaman ng mga school supplies, dental kit, at isang milyong punla upang makabawas sa pinansyal na hamon ng mga estudyante habang tumutugon sa programa ng klima sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno. Ang libro ay tungkol sa isang kuwago na ...