Nang Makalaro Ka't Matuto Ang Puso Ko
Precious Edquilane at Elgin Ryan Nilayan Ngayong buwan ng mga mapaglarong damdamin, tanglawan ang pag-ibig sa lablab ng larong lahi! Kandilang patay-sindi kung ituring ang relasyon natin sa ating mga mahal sa buhay. Nasisindahan ito sa tuwing sila’y ating nakakapiling, subalit napapawi sa oras na magkakalayong muli. Ngunit sa kaibuturan ng puso, hindi ito kailanman nagnais na bumitaw sa kamay ng minamahal—sadyang kailangan lamang dahil salat sa oras o wala nang mapagkakaabalahan. Kaya sa pag-ilaw ng iyong cellphone, handog ang mga laro ng kahapon na nagbabalik ngayon upang bigyang-sindi ang pagbibigkis ng mga puso. Dahil minsan, ang ating malayong kasintahan, mga kaibigan at kapatid, o magulang na tila naglalaro lamang sa ating active contacts at mga sulok ng tahanan, isang laro lamang kasama tayo ang tanging hinahangad. Ading ko, laro tayo ng piko Isa sa mga pinakasikat na tradisyonal na laro sa Pilipinas ang piko. Kasama man ang buong pamilya o kapiling ang mga pinsan, puwedeng-puwed...