LIKAS-KAYANG PRODUKSYON: Leather gawa sa patapong bahagi ng puno ng saging, tampok ng DLS-CSB, DLSU
Stephanie Mae Nacional Hindi lang prutas ang makukuha sa puno ng saging—bawat hibla at balat nito ay posibleng maging materyales sa iba’t ibang industriya, lalo na sa mundo ng fashion. Isang bagong uri ng leather gawa sa mga patapong bahagi ng puno ng saging ang binuo ng mga designer mula sa De La Salle-College of Saint Benilde (DLS-CSB) at De La Salle University (DLSU) bilang makakalikasang bersyon ng synthetic leathers. Kumpara sa mga leather mula sa plastik, balat ng hayop, o iba pang uri nito na hindi nabubulok at nagdudulot ng polusyon, ang banana leather ay gawa sa natural na kasangkapan kaya ito ay isang alternatibo na mas eco-friendly. Ayon kay Tal de Guzman, isa sa mga designer ng banana leather, kahit pa mapunta ang kanilang produkto sa tambakan ng basura ay hindi ito makaaapekto nang masama, sa halip ay mabubulok na lamang dahil sa mga kagamitang ginamit sa paggawa nito. Dagdag pa niya, dekalidad at matibay ang kanilang produkto kaya’t hindi na kailangang isakripisyo ng mga ...