Abadiano ginulantang ang ADMU, dangal ng UP binawi sa Round 2
Josel Mari Sapitan Kapos man sa manlalaro ng koponan, kumpyansa ni Gerry Abadiano ang kanilang naging puhunan. Photo Courtesy of UAAP Media Naitakas ni six-foot guard Abadiano ang University of the Philippines (UP) sa sumpang tangan ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa Round 2 ng UAAP S86 Men’s basketball, 65-60, matapos bumandera ng 22 points, three rebounds at two assists sa Smart Araneta Coliseum, Oktubre 29. Minanduhan ng Ilonggo pride ang Fighting Maroons sa kabila ng pagkawala nina CJ Cansino at JD Cagulangan na naging malaking balakid matapos silang payukuin ng Eagles sa unang round. Sinalba ni Abadiano ang Fighting Maroons sa first half selyado ng isang buzzer beating three, upang tuldukan ang matamlay na takbo ng laban. “Sinabi niya [Coach Goldwin] lang sa amin na ibigay namin ang best namin…ang basketball ay hindi naman yan perfect…magkakamali at magkakamali kami…ano man ang outcome maging thankful kami,” wika ni Abadiano. Dagdag pa rito, kumolekta ng tig-10 punt...