PVL Semis: Choco Mucho sinilat ang unang panalo vs Carlos-less Creamline; Petro Gazz umalagwa kontra Chery Tiggo
Patrick Pasta Isinalpak ng Choco Mucho Flying Titans at Petro Gazz Angels ang kanilang unang panalo sa PVL All-Filipino Conference Semifinals matapos mamayagpag kontra sa Creamline Cool Smashers at Chery Tiggo Crossovers sa magkasunod na tunggaliang ginanap sa PhilSports Arena, Abril 30. Photos Courtesy of Premiere Volleyball League/SPIN.ph Ginimbal ng Choco Mucho ang defending champions at Carlos-less Creamline matapos tangayin ang come-from-behind tagumpay, 3-2 (13-25, 19-25, 25-21, 25-20, 18-16), upang putulin ang kanilang 12-game lose streak mula sa huli. Malaking dagok sa opensa ng Creamline ang pagliban ni Tots Carlos sa kanilang semis opener, bunsod ng pagsabak nito sa 2024 Korean V-League Women’s Asian Quota Tryouts sa Jeju, South Korea. Bumalikwas mula sa pagkakalugmok at naunang two-set deficit ang Flying Titans matapos pangunahan nina Sisi Rondina at Royse Tubino ang ikatlong yugto ng bakbakan, 25-21. Bagama’t nagpatuloy ang momentum ng Choco Mucho sa ikaapat na set, na...